NAPAIYAK si megastar Sharon Cuneta nang sabihin nyang wala syang nakuhang mana mula sa kanyang mga magulang na dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta at Elaine Cuneta.
“My parents trusted the wrong people and I am angry. …My mom, a nurse of hers stole the money that came from the sale of our house from Dasmariñas where we grew up. I mean, wala kaming minana,” ayon kay Cuneta sa isang panayam sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS-CBN.
Muli nyang sinariwa ang mga ala-ala sa Dasmariñas Village sa Makati City kung saan sya lumaki kasama ang kanyang mga namayapang magulang.
“I miss you, daddy. I miss you so much. I miss my life with you. I miss our house in Dasma, I miss being your child.
I miss, little Sharon. I miss Sharon in her 20s. I miss you, mama. …I miss being free to be me,” ayon kay Cuneta.
Inamin din ni Cuneta may mga utang din sya bilang negosyante pero hindi naging sagabal sa kanya ang pera.
“My investments cost 8 to 9 figures and it’s not easy to sell something that costs R150 million. That’s like $3 million. I have enough. I am sorry and I don’t mean to brag, I am not bankrupt. I have been a billionaire before I married Kiko (Pangilinan),” ayon sa kanya.
“Ibig sabihin lang ng, ‘I owe so much money and there’s no one to help me’ – ang parang ano ko lang, ‘kung nandito lang ang daddy ko.’ Ang dami niyang tinulungan yumaman, tapos wala pala akong malalapitan,” ayon sa megastar.