INE-ENJOY daw ni Daniel Padilla ang action scenes na ginagawa niya sa upcoming ABS-CBN action-horror-fantasy series na “La Luna Sangre”, na pinagbibidahan nila ni Kathryn Bernardo. Ginagampanan ni Daniel ang role ng jeepney driver na si Tristan.
Kuwento ni Daniel, “Nag-shoot kasi ako sa Quiapo, doon ‘yung mga fight scenes. Sobrang na-enjoy ko, sobrang enjoy ‘yung mga fight scenes, ‘yung mga choreo, dahil siyempre ibang experience. Tapos pag nagagawa mo nang tuloy-tuloy, sobrang sarap gawin. And ‘yung makasama mo ‘yung mga tao sa Quiapo, siyempre doon mo makikilala lahat ng uri ng tao.
Sobrang sarap, and noong nandoon ako, mapapaisip ka talaga.”
Ano ang naisip niya? “Nakaramdam ako doon ng humility.”
May espesyal na bahagi rin daw sa kanyang kabataan ang Quiapo. “Nga-yon lang ulit ako nakabalik sa lugar na iyon. E doon ako bumibili ng jersey ko dati kapag may liga e. ‘Yung babalikan mo ‘yung ganung lugar after ng ilang taon.”
Paano siya nagkaroon ng fight scenes doon? “Kasi nung nagmamaneho ako ng jeep, nagkaroon ng holdapan. Kaya ayun naghabulan kami sa Quiapo.”
Vampire slayer din daw si Tristan sa istorya. “Actually, bad trip siya sa bampira. Kasi nakita niyang pinatay ‘yung tatay niya ng mga bampira. Kaya growing up naniniwala siya sa mga bampira, at gusto niyang patayin ang mga bampira.”
Looking forward nga raw si Daniel sa magiging labanan nila ng hari ng bampira na si Sandrino, na ginagampanan naman ni Richard Gutierrez. “Yes, magte-training muna ako. Dahil sa ngayon baka patayin lang ako ni Richard,” biro ni Daniel.
Sumailalim nga raw sila ni Kathryn sa martial arts training gaya ng Pikiti o Pinoy martial arts, pati na rin ng Wushu, isang form ng Chinese martial arts.
Kasama rin sa cast ng “La Luna Sangre” sina Angel Locsin, John Lloyd Cruz, Ina Raymundo, Gelli de Belen, Randy Santiago, Joross Gamboa.
Ang “La Luna Sangre” ay mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa June 19.(GLEN P. SIBONGA)