Nanawagan ang Quezon City police sa mga business establishments sa lungsod na makipag-coordinate mabuti sa kanila matapos ang pag-atake ng nag-iisang armadong lalaki sa Resorts World Manila (RWM) noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Guillermo Eleazar kahapon na nakipagpulong sila sa security officers ng iba’t ibang business establishments noong Lunes.
Ang dialogue, ayon sa kanya, ay dinaluhan ng 128 representatives ng malls, hotels at transport terminals sa lungsod, pati na rin ang officials ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ayon kay Eleazar, isinagawa ang dialogue para paalalahanan ang businesses na regular na i-review ang kanilang security protocols para maiwasan ang anuman hindi inaasahang insidente.
Pinayuhan ng police official ang mga negosyante na higpitan ang security measures sa mall entrances gayundin sa lahat ng bus, train at iba pang transport terminals.
Hiniling din niya sa security officials, lalo na ang mga nasa mataong lugar, na panatilihin ang close coordination sa police sa tuwing may nangyayaring insidente sa kanilang lugar.
Itinuturing ni Eleazar na isang “eye-opener” ang pag-atake sa RWM kung saan 38 katao ang namatay, kasama na ang gunman na namaril at nagsunog sa area ng casino.
“The safety of customers and employees should be one of the main concerns of security guards. It is important that they should know what to do especially when confronted with situations just like what happened in the RWM,” said Eleazar. (Vanne Elaine P. Terrazola)