Faulty electrical wiring at hindi inside job ang sanhi ng sunog na tumupok sa warehouse ng Bureau of Customs (BoC) noong June 1, ayon sa isang Customs official.
Sinabi ni Sonny Sarmiento, deputy chairman for operations of the BoC – Special Studies and Project Development Committee (SSPDC), na walang katotohanan ang haka-haka na posibleng inside job o pagsabotahe ang pagsiklab ng naturang sunog.
Ipinaliwanag ni Sarmiento na hindi basta-basta mabubuksan ang warehouse kung ang lahat ng personnel na may hawak ng mga susi ay wala sa lugar na iyon.
Sinabi niya na ang mga susi sa warehouse ay hawak ng apat na personnel mula sa Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Services, SSPDC at isang warehouseman na itinalaga ng Port of Manila.
“Unauthorized personnel cannot enter Warehouse 159. It can be accessed once the four agents are all present, so we already rejected the possibility of an inside job and sabotage,” Sarmiento said.
Tatlong oras bago sumiklab ang sunog, ilang kumpiskdong articles ang dinala sa loob ng Warehouse 159.
Base sa security camera footage, inilipat ng BoC agents ang goods sa warehouse dakong 5