DAET, Camarines Norte (PIA) – Nagtapos ang emergency responders ng Camarines Norte sa pagsasanay na tinaguriang “Basic Training on Rights-Based Humanitarian Action” na ginanap sa panlalawigang kabisera na ito.
Inihayag ng nagtaguyod sa pagsasanay, ang Consortium on Humanitarian Action and Protection (CHAP) na isang non-government organization (NGO), na layunin nito na matugunan ang mga karapatan ng indibidwal sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Eena Barrun, project manager ng Center for Disaster Preparedness (CDP) ng CHAP, nais nilang mabatid kung paano ginagawa ang emergency response sa Camarines Norte.
Sa pamamagitan ng seminar, nalaman nila kung ipinagkakaloob ng disaster responders ang proteksiyon na nauukol sa mga biktima ng kalamidad.
Tinalakay ang mga patakarang nasyonal at internasyonal sa DRR, International Humanitarian Law, RA 10121, emergency programming at monitoring nito.
Ito ay ipinatutupad ng CDP, Balay Rehabilitation Center, Buklod Tao at ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).