Bakasyon grande si Gabbi Garcia sa United States. Kasama niya ang kanyang pamilya na bale treat niya sa mga ito at graduation gift na rin sa isang kapatid niya.
Bale celebration na rin ito ni Gabbi sa success ng “Encantadia” kung saan gumanap siya bilang Alena. Malaki ang naitulong ng naturang GMA fantaserye sa career ni Gabbi na karagdagan sa mga blessing na dumating sa kanya.
Ang US vacation niya with her family ay pasasalamat din niya sa suporta ng mga ito sa kanyang career since nag-umpisa siya sa showbiz.
Matatagalan ang bakasyon nila na well-deserve ni Gabbi dahil for the longest time ay halos wala siyang pahinga sa trabaho. Sinasamantala niya ang pagkakataon habang naghihintay pa siya ng panibagong project sa GMA7.
US vacation
Nagbabakasyon din sa United States si Congresswoman Vilma Santos-Recto kasama ang kanyang husband, Senator Ralph Recto, ang anak nilang si Ryan Christian, ang kapatid niyang si Emelyn at ilang staff niya.
Hindi nila kasama si Luis Manzano na baka may ibang lakad. Hindi kaya si Jessy Mendiola ang kasama niya?
Yearly ay nagbabakasyon abroad ang pamilya ni Cong. Vilma para makapag-bonding sila.
Kahit gaano ka-busy ang mag-asawang politicians, talagang hinahanapan nila ng oras para makapag-bonding ang kanilang pamilya. Isa ‘yun sa mga sikretong matatag at masayang samahan nila.
Tanong naman ng fans ng actress-politician, kalian naman daw niya hahanapan ng oras para makagawa siya muli ng pelikula? Huling napanood si Cong. Vilma sa “Everything About Her” with Angel Locsin.
Kahanga-hanga
Kahanga-hanga si Angel Locsin dahil kahit pinagbawalan na siya ng kanyang doctor na gumawa ng physical activities, hindi siya nagpaawat sa fight scene niya sa isang upcoming teleserye ng ABS-CBN.
Sinabihan siya ng direktor na gagamit na lang ng double niya, pero hindi pumayag si Angel. Siya mismo ang sumabak sa action scene niya.
Special participation lang si Angel, pero todo-suporta siya sa project.
Dumalo pa siya sa presscon na kung tutuusin, pwede namang deadmahin na lang niya.
Kahanga-hanga rin ang pagpunta ni Angel sa Iligan City para dalawin sa isang evacuation center ang mga naapektuhan sa gulo ng nangyayari sa Marawi City. Nag-volunteer pa siya sa Task Group Emergency Preparedness Response sa Mindanao.