Madali ka bang mapikon? Mainis? Magalit? Mabilis bang mag-panting ang tenga mo at mag-init ang ulo mo? Para ka bang time bomb na malapit nang sumabog?
May mga kakilala ka bang ganyan? Alam mo bang merong ugat at dahilan ang pagiging bomba ng isang tao? Para ito sa mga tao na mainit parati ang ulo. Subukan natin tanungin ang mga tanong na ito sa ating sarili:
NASAKTAN KA BA?
Meron bang nakasakit sa’yo? Kaya ang defense mechanism ng tao ay maging matapang at aloof sa iba?
Kung sakaling nasaktan ka, huwag mong ipasa o ibaling sa iba ang galit at inis mo. Hindi iyan ang solusyon para maibsan o mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman mo.
Sa katunayan pa nga, bukod sa pinabibigat mo ang pakiramdam mo, nakakasakit ka lang din ng ibang tao na wala namang kinalaman sa pinagdadaanan mo.
Mas mainam at mabuti kung kakausapin at haharapin mo ang mismong tao na nakasakit sa’yo at kayo ang mag-usap.
Sa kanya mo ilabas ang lahat ng sama ng loob mo at pag nailabas mo na lahat, nakagpag-usap kayo at ang panalangin natin ay magkasundo kayo, magka-patawaran at mag-move on.
MERON KA BANG UNRESOLVED ISSUES?
May mga inaalagaan ka bang mga unresolved issues mula pa pagkabata mo o di kaya sa mga nakaraang experiences mo? Baka meron kang inggit, insecurities, at kung anu-ano pang negative feelings and thoughts na hindi pa naaayos?
Let it go, kapatid. Harapin at ayusin mo ang mga unresolved issues na iyan para sumaya at gumaan ang buhay mo.
Para kang nagwalis at lahat ng kalat na nawalis mo ay tinago mo lang sa ilalim ng carpet at di mo dinakot at tinapon.
Hindi talaga nalinis ang bahay mo, tinago mo lang ang mga dumi.
Dakutin mo na ang mga dumi at kalat sa buhay at itapon na ang mga iyan. Hindi lang lilinis ang puso, gagaan pa ang buhay mo.
FRUSTRATED KA BA SA IYONG BUHAY?
Marami ka bang mga expectations na hindi nangyayari? May mga disappointments ka ba sa sarili mo? May mga pangarap ka ba na di mo maabot-abot?
Kailangan mong unawain ang sarili mo. Kailangan mong tanggapin na may hangganan ang kakayahan mo at may limitasyon ang mga kaya mong gawin.
Lahat tayo merong mga weak points. Walang perfect sa atin. Huwag kang ma-frustrate sa mga kapalpakan mo, kakulangan mo o mga kahinaan mo. Focus on your strengths and always believe in yourself.
Masyadong maiksi ang buhay para maging magagalitin at mainisin ka. Hindi mo alam baka bukas o kaya mamaya, tapos na ang buhay mo.
Why not live life to the fullest? Why not live harmoniously with the people around you. Mas masaya, magaan at maginhawa ang buhay kung di ka BOMBA.
THINK. REFLECT. APPLY
Bakit ka kaya mainisin at magagalitin? Handa ka na bang ayusin ang mga unresolved issues sa buhay mo? (Chinkee Tan)