By: Jun Ramirez
Binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit sa 500 immigration officers na naka-assign sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City bilang bahagi ng programa para maputol ang graft and corruption sa hanay ng mga empleyado at mapabuti ang serbisyo ng ahensiya.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang bawat immigration officer na nakatao sa immigration arrival at departure counters ay inilipat sa ibang puwesto sa tatlong terminal ng airport.
Ayon sa BI chief, walang exempted sa paggalaw ng mga tao dahil ang sistema ng pagpapalit ng terminal assignments ng BI-NAIA personnel ay ginagawa para maiwasan ang fraternization ng employees.
“Fraternization has long been pinpointed as a major source of corruption among employees in government. It is this familiarization that we are trying to prevent by implementing this scheme,” paliwanang ng BI.