By ROBERT REQUINTINA
HIYAWAN at sayawan ang mga Pinoy fans sa kauna-unahang concert ng American pop star na si Britney Spears sa Pilipinas na ginanap sa SM Mall of Asia sa Pasay City nuong Huwebes ng gabi.
Saktong 9:10 pm nang lumabas sa stage si Spears at inawit ang kanyang mega-hit na kantang “Work B**ch.”
Sinundan ito ng iba pa nyang awitin tulad ng “Womanizer” “Break The Ice,” “Piece of Me,” “Baby One More Time,” and “Oops! I Did It Again.”
Bawat production number ay pinalakpakan ng todo-todo. Pero napa-wow talaga ang mga concertgoer sa visual effects na ipinakita sa concert.
Namangha rin ang kanyang mga fans sa mga lighting effects sa show.
Ang concert ni Spears sa MOA ay sya ring itinatanghal sa Las Vegas kung saan ito ay hit na hit.
Sa tutoo lang, extended pa ang kanyang residency show sa Las Vegas dahil sa kasikatan ng kanyang “Piece of Me” world tour.
Part din sya ng kasalukuyang Asian tour kung saan ipinalabas na rin ito sa Japan, South Korea and Taiwan.
Inawit din ni Spears ang kanyang iba pang hit songs tulad ng “In The Zone,” “Gimme More,” “Scream and Shout,” “Breathe On Me,” “Toxic,” “Stronger,” at “Crazy.”
Nag-encore sya at kinanta ang “Til The World Ends.”
Sa mga fans na kasabay lumaki ni Spears, na miss nila ang ibang popular nyang awitin.
Hindi nya kinanta ang mga love songs nya tulad ng “Lucky,” “Sometimes,” at “Everytime.”
Pero sa naturang concert, mukhang hindi yata naging maganda ang pagtimpla ng sound system sa concert. Masakit sa tenga ang sound system sa concert dahil ito ay sabog at kalat.
Ayon sa isang source, mukhang hindi na nakapag sound check ang crew ni Spears dahil mismong araw ng concert sila dumating.
Matapos ang concert, umalis agad ng MOA si Spears at sumakay ng sasakyan papuntang airport.
Pero marami ang nagtatanong – lip sync nga ba ang buong concert ni Spears.
Yan na rin ang tanong ng maraming fans mula ng magsimulang magconcert si Spears.
Subalit kahit si Spears ay deadma sa tanong na ito.
Sa isang online report sa America, inamin daw ng isang concert staff ni Spears na lip sync ang buong show dahil mahirap daw talagang pagsabayin ang pagkanta at pagsayaw.
Lip sync o hindi, nag enjoy ng todo todo ang mga fans ni Spears at nakita nila ang kanilang idol kahit man lang sa loob ng isang oras at 25 minutes.
Kudos din sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at mga bouncers na nagbantay sa MOA.
Ilan sa mga celebrities na namataan sa concert ay sina James Reid, Nadine Lustre, Jodi Sta. Maria, Tim Yap, Richard Gomez, Lucy Torres, at Solenn Heussaff.