By MELL T. NAVARRO
BAGO lumipad papuntang Amerika ang megastar na si Sharon Cuneta for a series of concerts ay tinupad muna niya ang pangako niya sa kanyang fans – ang tapusin ang kanyang Cinemalaya movie na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”.
A few days ago nga ay natapos na ni Sharon ang principal photography ng very first indie film niyang ito na isang black comedy and satire drama mula sa award-winning indie filmmaker na si Mes De Guzman.
Hinabol nga ang hectic schedule ni Sharon dahil umalis siya noong June 14 nang gabi for her US concert tour, pero she made sure na wala siyang maiiwang eksena sa nasabing comeback film niya after 2009 nang ipalabas ang last movie niyang “Mano Po 6”.
Sa Pagsanjan, Laguna ang location ng shoot, at saksi kami sa last two shooting days ng produksiyon. Isang “happy set” ang APHL shooting set dahil good vibes ang lahat, mula sa buong cast, production staff and crew.
Kilala rin bilang isang generous na artista ang megastar. Katunayan, sa buong duration ng ilang araw na shoot, tatlong beses nag-treat si Sharon ng lechon with matching birthday cake sa tatlong birthday celebrants among the production staff and crew.
Kung kaya’t busog daw lagi ang mga tao sa likod ng production at isa ito sa hindi nila malilimutang naging experience working with Sharon.
Ani Direk Mes, taong 2014 pa lang ay unang in-offer nila ang film project kay Sharon. Dapat ay November 2014 pa lang ay nasimulan na nila ito pero nung pumanaw ang ina nitong si Elaine Cuneta, na-stop muna ito.
Taong 2015, naging abala na si Sharon sa kanyang pagbabalik-telebisyon sa ABS-CBN tulad ng “Your Face Sounds Familiar” at “The Voice Kids”.
Last year (2016), hindi pa rin tumigil sa kanilang “pangarap” si Direk Mes at ang asawa (at line producer) nitong si Rhea De Guzman na ipasok as entry for Cinemalaya 2017, with Sharon still in their mind as lead actress.
Hanggang sa suwerteng napili na nga ang pelikula noon pang early 2016, pero nagtiyagang maghintay ang production sa availability ng singer-actress upang gawin ang pelikula.
Kabilang sa cast ng “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” sina Niño Muhlach, Moi Bien, Kiko Matos, Michelle Vito, Richard Quan, Cris Villanueva, Joe Gruta, Flor Salanga, Tads Obach.
Introducing dito si Phillip Olayvar na gumaganap bilang isa sa dalawang anak ni Sharon (the other one ay si Michelle). May special participation rin dito si Alonzo Muhlach, anak ni Niño.
Ginagampanan ni Sharon ang karakter ni Cora, isang desperadang ina na naghahangad na magbalik ang asawa at dalawang anak sa kanyang piling. Tanging ang pamosong “Pamilyang Hindi Lumuluha” ang makapagbabalik sa inaasam na pangarap na mabuo ang sariling pamilya.
Ang Cinemalaya 2017 ay gagangapin sa August 4-13, mapapanood sa CCP Theaters at Ayala Cinemas sa Metro Manila at Cebu City.