Successful ang US show ni Sharon Cuneta na ginanap sa Chumash Casino. Una pa lamang ito sa nakaiskedyul na US concert series ng megastar.
Pinasalamatan ni Sharon sa social media ang mga nagdasal for her show. Aniya, noong una’y nahirapan siyang umpisahan ang show dahil natakot siyang baka hindi pa handa ang kanyang boses.
Nang kantahin niya ang mga awiting “Bituing Walang Ningning” at “Pangarap na Bituin” na compositions ng yumaong composer na si Willy Cruz ay hindi niya napigilang umiyak. Panay ang apologize niya sa audience dahil sa pagiging emotional niya.
“Then I asked them if they could please sing with me because I couldn’t stop crying….And they did, so generously and kindly,” bahagi ng post ni Sharon.
Aniya pa, overwhelming at sweet ang pagmamahal ng audience at pinasalamatan niya ang lahat ng nanood sa Chumash Casino.
Pinasalamatan din ni Sharon ang guests niyang sina Antoinette (not Taus, ha?) at Ian Veneracion. Super nice raw ang aktor at well-appreciated ng audience.
Next show ng megastar ay sa San Francisco,USA. Kasama niya sa buong US concert tour niya ang husband niyang si Senator Kiko Pangilinan at tatlong anak nilang sin Frankie, Miel at Miguel. Susunod naman si KC Concepcion para suporta-han din ang kanyang mama Sharon.
Hanggang July this year ang US concert series ng megastar. Wala siyang panahong mag-emote sa isyung mas ginusto ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion na makatrabaho muli ang ex-girlfriend nitong si Janice de Belen sa isang episode ng “Magpakailanman.”