Ni: Jonathan M. Hicap
Ibinalik na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang conjugal visits sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, isang taon matapos itong suspendihin.
Ayon kay BuCor Director General Benjamin Delos Santos pinapayagan ang conjugal visits tuwing Biyernes kada isang buwan sa NBP maximum security compound.
Ang pagbisita ay puwede sa dalawang sections ng maximum compound – ang “presidio” at “carcel.”
Ang maximum security compound ay hinati sa dalawa dahil sa sobrang laki nito.
“We’ll provide special schedule for Muslim Eid’l Fitr [Feast of Ramadan],” saib ni De Los Santos.
Para sa mga nasa Reception and Diagnostic Center (RDC) at medium and minimum security compounds, pinapayagan ang pagbisita tuwing huling Biyernes ng buwan.
Ibinalik ang privilege ng pagbisita matapos na magpahayag ang lahat ng prisoners’ groups ng pagsuporta sa “Oplan Pagbabago” ng BuCor para mahinto ang pagpasok ng droga at iba pang contraband sa kulungan.