By MELL T. NAVARRO
ANG classic Nora Aunor at Christopher de Leon starrer na “Banaue” ang napiling maging Opening Film ng 2nd TOFARM Film Festival na gaganapin ngayong July 11, 2017 sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.
Produced by Nora’s NV Productions and directed by National Artist for Film na si Mr. Gerardo “Gerry” de Leon, ayon sa trivia, ang “Banaue” ay sinasabing isa sa pinaka-expensive na pelikulang prinoduce ng Superstar noong 1975, kunsaan kasama rin sa cast ang yumaong si Johnny Delgado, Gloria Sevilla, at Ronaldo Valdez.
Nagpapasalamat ang TOFARM Festival Director na si Direk Maryo J. delos Reyes sa ABS-CBN Film Restoration group sa pagbibigay sa kanila ng film copy ng “Banaue”, bagama’t hindi “restored version” ang ipapalabas sa opening, pero ang TOFARM organizers na ang gumastos upang ipa-convert ang pelikula to its digital format na magsu-swak sa film showing.
Unang ipapalabas ang “Banaue” sa hapon ng July 11, to be followed by the formal Opening Ceremonies sa gabi, sa nasabing hotel, at imbitado si Liza Diño-Seguerra, Chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
As we go to press, ayon kay Direk Maryo, iimbitahin rin nila si Nora, na sana’y makadalo sa opening film screening.
Ilang pelikula rin ang pinagsamahan nina Direk Maryo and Nora so looking forward ang batikang direktor na makarating si Ate Guy.
Last year sa unang taon ng TOFARM Filmfest, ang isa pang classic Pinoy film na “Biyaya Ng Lupa” ang naging opening film.
Ngayong taon, may temang “Planting The Seeds of Change” ang nasabing festival headed by Dr. Milagros O. How ng Universal Harvester, Inc.
For the first time, dagdag impormasyon pa rin kay Direk Maryo, bibigyan nila ng plaques of recognition ang mga artistang may mga sariling farm tulad nina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Gary Estrada, Isabel Rivas, Eagle Riggs, at iba pa.
Ang anim na pelikulang kalahok sa TOFARM Film Festival ngayong taon ay: “Instalado” ni Jason Paul Laxamana (tampok sina McCoy de Leon, Junjun Quintana), “High Tide” ni Tara Illenberger (with Arthur Solinap), “What Home Feels Like” ni Joseph Abello (starring Irma Adlawan and Bembol Roco).
Entries rin ang “Baklad” ni Topel Lee (with Ronwaldo Martin, Elora Españo, Rafa Siguion-Reyna), “Kamunggay” ni Victor Acedillo Jr. (with singers Dulce and Bayang Barrios), at “Sinandomeng” ni Byron Bryant (topbilled by Sue Prado).
Ipapalabas ang mga pelikula sa July 12-18 sa SM Megamall, SM Manila, Greenbelt 1. Robinsons Galleria, and Gateway Cinemas.