By RUEL J. MENDOZA
DAHIL wala na ang character ni Tom Rodriguez sa GMA-7 telefantasya na “Mulawin vs. Ravena”, sa romantic-comedy teleserye naman ng GMA Public Affairs na “I Heart Davao” siya mapapanood together with real-life girlfriend Carla Abellana.
Kinunan ang “I Heart Davao” sa mga magagandang lugar ng Davao at pinag-aralan pa raw ni Tom ang magsalita ng Bisaya para sa character na ginampanan niya na isang “Dabawenyo Dude”.
“I really have to learn the language that is spoken in Davao para mas believable ako sa role ko as Ponce.
“They will fall in love with ‘I Heart Davao’, not just with the love story of Ponce and Hope, but with the beauty of Davao itself.
“Ako mismo, gusto kong bumalik pa ng Davao to explore the whole province kasi marami pa kaming hindi naipakita na ganda roon.
“Davao is definitely one of the cities in our country na puwede nating ipagmalaki sa buong mundo,” ngiti pa ni Tom.
Nagsimula magtrabaho si Tom sa “I Heart Davao” pagkauwi niya mula sa US pagkatapos na ilibing ang kanyang amang sumakabilang-buhay dahil sa sakit na lung cancer.
Pumanaw ang ama ng aktor na si Mr. William Albert Mott, Sr. noong March 2017.
“Mahirap din pala. The more that you don’t want to not think about it, lalo mong naiisip pala.
“Mahirap ang maka-move on nang basta-basta lang.
“Akala ko nga, nalagpasan ko na ang different stages of grief. Akala ko tapos na ako. Pero kapag may naaalala ako something about my dad, bumabalik na naman ‘yung lungkot. Para siyang cycle lang ngayon,” diin ni Tom.
Malaking tulong daw si Carla sa paunti-unti niyang pag-move on sa malungkot na chapter ng buhay niya.
“I am very lucky to have someone like Carla in my life now.
“I really don’t know what will happen if she’s not here with me.
“Tamang-tama ang name ni Carla sa teleserye namin as Hope.
“She really did give me hope.
“She always reminds me that my dad is in a better place now and I should be happy for that.
“Eventually, malalagpasan ko rin ito.”