By: Martin A. Sadongdong
Inanunsiyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik operasyon ng Pasig River Ferry System matapos suspendihin ang biyahe noong Lunes dahil sa santambak na water lilies at basura sa Pasig River.
Sa isang advisory sa Facebook page nito, sinabi ng MMDA na nag-resume ang ferry operation dakong 6:30 a.m. ngunit ang biyahe ay mula Guadalupe station sa Makati City hanggang Polytechnic University of the Philippines (PUP) station sa Santa Mesa, Manila, lamang.
Dahil dito, mako-cover lamang ng Pasig River Ferry System ang anim sa 12 stations nito. Pansamantalang itinigil noong Lunes ang ferry operations dahil sa “navigability constraints” sa kahabaan ng Pasig River na halos mapuno ng water hyacinth at mga lumulutang na basura.