By: Martin A. Sadongdong
Pinayagan ng Makati City government ang isang high-school student at anim na college students mula sa Marawi na makapasok sa University of Makati (UMak), isang lingo matapos na buksan ang paaralan sa mga mag-aaral na naapektuhan ng kaguluhan sa naturang lungsod.
Muling nanawagan si Makati Mayor Abigail Binay sa mga mag-aaral na apektado ng Marawi war at sa mga anak ng sundalong namatay sa pakikipaglaban na samantalahin ang oportunidad na maging full scholars ng city government.
“We welcome students from Marawi who would like to pursue their college education as scholars of the city government.
This is our simple way of showing that we care for our brothers and sisters whose lives have been disrupted by the conflict in Marawi,” Binay said.
Base sa record ng Office of the Registrar (OR) at UMak, dalawang transferees mula Marawi ang naka-enroll sa university, habang limang iba pa, kasama ang isang senior high school student, ang kinukumpleto pa ang enrollment process.
Ayon sa UMak-OR, and dalawang college students ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Management Accounting, isa ay third year at ang pangalawa ay second year.