BUSY ngayong mga panahon na ito si 2012 Miss Philippines Earth Stephany Stefanowitz sa mga hosting at pagiging modelo.
Hindi man sya pinalad na makasama nuon sa 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2017 pageant pero naka-move on na rin sya sa pangyayaring ito.
“Hindi ko napanuod ‘yung Bb. Pilipinas 2017 beauty pageant dahil I was hosting a local pageant in Pangasinan,” ayon kay Stefanowitz, nung tanungin kung napanood ba nya ang finals ng nasabing beauty pageant sa isang panayam sa planta ng Psalmstre sa Taytay, Rizal nuong Byernes. Sya rin ang endorser ng New Placenta soap na pagma-may-ari ni Jaime Acosta.
Pero tuwang-tuwa ang Filipino-German beauty queen nang manalo ang kaibigan nyang si Rachel Peters na magiging pambato ng Pilipinas sa darating na Miss Universe beauty contest.
“Nag-status talaga ako kay Rachel at sabi ko no one really deserves the crown than you! I was there. I saw everyone.
And honestly there’s no one else for Miss Universe! S’ya lang talaga! No offense pero Mariel de Leon and Rachel Peters lang talaga,” dagdag pa ni Stefanowitz, 27.
Hindi maiwasan na tanuning muli si Stefanowitz ng media tungkol sa Bb Pilipinas at kung paano sya tinarayan ng ilang kandidata ruon na may attitude.
“The night before, confident naman ako that time na makakapasok ako sa Top 40. So nasa Top 55 ako. Fifteen ang maliligwak. Nakita ko naman ‘yung ibang candidates then sabi ko sa sarili ko, kaya yan!
“Grupo-grupo kasi kami nun sa elimination pa lang ng candidates. Kanya-kanyang usap sa group. Ganun pala talaga!
“Nung hindi ako nakapasok (sa Top 40), kasama ko na nun si Mia Howell. Hindi muna kami pinalabas. Gusto nila sabay-sabay na lang lalabas lahat ng candidates kesyo nakapasok sa Top 40 or hindi.
“Biniro ko na lang ‘yung ibang staff duon sabi ko ‘hindi na nga kami nakapasok hindi pa rin kami makalabas.’ After several minutes, kwentuhan na lang muna kami duon sa dressing room.
“Then she came. Literally she gave me the worst look. Kulang na lang sabihin nya ‘buti nga sa’yo!’ Tinignan ko rin sya pabalik. I told myself ‘Wow! Mal-dita! Pero mas masakit ‘yung nangyari sa kanya.
“Ayaw ni Madam (Stella Marquez Araneta) ng may attitude!” ayon sa beauty queen, nung tanungin sya kung bakit walang nangyari sa ilang paboritong kandidata nuon sa Bb Pilipinas 2017 pageant.
Hindi na muling nag-elaborate pa si Stefanowitz sa mga pangyayari.