By: Jaimie Rose R. Aberia
Pabor si Manila Mayor Joseph Estrada na palawigin pa ang implementation ng 60-day martial law sa Mindanao.
“Yes. He (President Duterte) knows better,” pahayag ng Manila mayor said, sabay paliwanag na mahabang panahon ang kinakailangan para mabigyan ng tamang solusyon ang nagaganap na armed conflict sa Marawi City at ang patuloy na problema ng terorismo sa rehiyon.
“I believe it takes time. He needs some more time…That’s why he has all the advisers there, the military think tank, ‘di ba? They know better than anyone of us, including me,” dagdag pa ni Estrada.
Noong nanungkulan siya bilang Pangulo ng Pilipinas at labanan ang Moro Islamic Liberation Front noong 2000, sinabi ni Estrada na pinayuhan din siya na maglunsad ng “all-out” war laban sa Muslim insurgents.
Niliwanag niya na hindi man siya adviser ni Duterte, isa siya sa milyong Pilipino na sumusuporta sa Duterte administration sa paglaban sa kirminalidad at terorismo sa bansa.
“There’s no substitute for peace and order. Without peace and order, no country will ever succeed,” sabi ni Estrada.