By: Analou de Vera
Eighty five families ang nawalan ng tahanan sa isang sunog sa Old Sta. Mesa, Manila early yesterday morning.
Sinabi ng Manila Fire Department na nagsimula ang sunog sa bahay ni Remedios Baclogan pasado 4 a.m. sa Sta. Clara St., Barangay 598.
Agad kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay na gawa sa light materials.
Umabot sa fifth alarm ang sunog na naapula pasado 6 a.m. Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog.
Nahirapan umanong pumasok ang mga bumbero sa lugar dahil sa masisikip na kalye at heavy traffic.
Inaalam na ang dahilan ng sunog. Kasalukuyang tumutuloy ang mga apektadong residente sa multi-purpose hall ng barangay.