By: Johnny Decena
Pagbigyan naman ninyo na gunitain ko ang mga unang karanasan ko dito sa masaya at umunlad pang daigdig nating mga karerista.
Tuwing Linggo lamang idinaraos ang karera nuon – wala pa ang Santa Ana – sa San Lazaro na nagsisimula ng tanghaling tapat hanggang halos hating gabi na natatapos na karera.
Ang ilang mga popular na hinete nuon ay sina Mendoza, Torkuato, Escasinas, Sabino at ang tinatawag nilang pinakapustoriosong si matandang Torno.
Naroon din kami ni Itay nang unang magbukas ang Santa Ana Park nuong 1937. Panahon yaon ng sikat, popular ar dinarayong Santa Ana Cabaret na dinadaluhan pati ng kasalukuyang Presidente nuon… so there.
So back to yesterday’s (Friday) Races at Metro Turf.
Nagbigay pa nang magagandang dibidendo ang 1st set covering races 1 to 7 at ang second set (R3-9) nito ay may premyo namang P20,249.80
Nagsipanalo rito from Races 1 to 9, ayon sa pagkakasunod-sunod, ay ang Eugene Onegin, Promo Jewel, Mika Mika Mika, Prince Lao, Wow Jazzie, Calm Like Dew, Yoshiko, Sweetness at Batang Poblacion or combinations 4-4-6-7-4-1-3-2-10.
Samantala ang 6th Leg Imported/Local Challenge Race ay nakatandang itakbo sa Metro Turf Club Inc. in Malvar, Batangas. Open ito sa lahat ng registered 4YO and above Imported and Local horses na nakatakbo na sa isang labanan.
May total prize of P500,000, ang magwawagi ay tatanggap ng P300,000 at ang 2nd to 4th placers naman ay may gantimpalang P112,500, P62,500 at P25,000, ayon sa pagkakasunod-sunod.
So there…. see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta…Good Luck!!!