By Ruel J. Mendoza
Pagkatapos ng dalawang taong lay-off sa basketball, muling bumalik sa hardcourt ang Kapuso actor na si Andre Paras at nagpapalaro na siya para sa PBA D-League for AMA Online Education.
Sa nagdaang dalawang taon, naging abala si Andre sa pagiging actor niya sa GMA-7 at Viva Films.
Ginawa ni Andre ang mga teleserye na “The Half-Sisters” at “That’s My Amboy.” Sa pelikula naman, lumabas si Andre sa “Girlfriend For Hire” at “Your Place Or Mine.”
Nagbakasyon muna siya mula sa paglaro ng basketball para makapag-commit siya sa showbiz.
Ngayon ay gusto na ulit ni Andre na balikan ang kanyang paboritong sport.
“My former coach asked me if I wanted to play for him. I said yes to give it a shot even if I was out of shape and out of competitive basketball for almost two years.
“I feel great because I get to play the sport I fell in love with and also get to enjoy the competitive action,” pahayag pa ni Andre.
Pareho na sila ng nakababatang kapatid niyang si Kobe Paras na nandito ngayon sa Pilipinas para maglaro sa Philippine team habang summer break ito sa school.
Hindi naman daw tatalikuran ni Andre ang showbiz dahil kaya naman daw niyang ipagsabay pareho.
“Jack-of-all-trades naman tayo. I can manage my time playing basketball and my showbiz commitments.
“I don’t have to choose kasi I love doing both. I learn from my co-actors and my co-players.
“Now kasi wala pa tayong bagong teleserye, balik muna ako sa training and playing for PBA D-League.
“Ayoko ng masayang ang oras ko. I need to concentrate on something. And for now, it’s basketball.”
Huling napanood sa telefantasya na “Encantadia” si Andre at tuwing Sunday naman ay nasa “Sunday PinaSaya” ito.