LUCENA, Quezon (PIA) – Nakipag-ugnayan kamakailan ang Urban Poor Affairs Division (UPAD) na nasa ilalim ng pamahalaang lungsod sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang masugpo ang isyu sa illegal squatting.
Kabilang sa mga inimbitahan ang mga kasapi sa National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syndicates (NDAPSS) na kinabibilangan ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Philippine National Police (PNP); Land Registration Authority (LRA), Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG), Office of the Solicitor General (OSG), Public Attorney’s Office (PAO), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Justice (DOJ); at National Anti-Poverty Commission (NAPC) upang gumawa ng mga hakbang sa pagsugpo sa illegal squatting.
Tinalakay sa nasabing pag-uusap ang ilan sa mga impormasyon at prosesong kinakailangang sundin ng pamahalaang lokal sa pagsasa-ayos ng ‘urban poor sector’ at pagsugpo sa mga tinaguriang ‘squatters’ at ‘squatting syndicates’.