PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) – Tinatalakay na sa Committee on Special Concerns ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang panukalang ‘regionalization’ o pagiging isang rehiyon ng Palawan at ang paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya.
Ayon sa may akda ng panukala na si 1st District Provincial Board David Francis Ponce de Leon maaari umanong mahati sa tatlo ang lalawigan ng Palawan at maging isang rehiyon dahil sa lawak nito.
Sa kanyang panukala, mahahati ang lalawigan ng Palawan bilang Northern Palawan, Central Palawan at Southern Palawan kung saan ang Puerto Princesa ang magiging Sentro nito at gagawing Regional Center.
Ayon pa kay Board Member Ponce de Leon ang hakbang na ito ay bilang paghahanda na rin sa hangarin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na palitan ang kasalukuyang porma ng gobyerno ng bansa sa Federalismo.
Pabor naman ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, sa panukalang ito.