By: Johnny Decena
Pinaganda ng pitong “Ratings Based System Races” ang 13-race program na inihanda ng Santa Ana Park in Naic, Cavite ngayong araw.
Kakalat ang bentahan ng mga ito dahil magbibigay nang mahihigpit na palaisipan sa pagdidiskarte ng “Bayang Karerista” tungo sa magagandang dibidendo sa iba’t-ibang events lalo na sa popular na Winner-Take-All.
Pipiliin ko na lamang ang race 4 na kung saan balikatang magpapanagupa ang One Eyed Jane, Fascinating Dixie, Gorgeous Chelsea, Winning Move, Quitek Willy, August Moon, Blue Orchid, Lucky Toni, Big Boy Vito, Himpapawid at Runzaprun.
Diskartihin din ng mabuti ang mahigpit na labanan ng Karapatan, Virgin Forest, Kailuphia, Nage, Blue Angel, Rockstar Show, Beat Them All, Rocking Hill at Melody’s Diamond.
Gusto ko sanang banggitin ang ilan pang karera pero hindi na “kaya” ng ating espasyo.
Sa mga di nakadalo sa pakarera ng San Lazaro kahapon, ang WTA ay nagbigay pa ng P3,430.00.
Nagsipanalo rito ay ang Desert Star, Tagapagmana, Maybe This Time, Fantastic Gee, Hot And Spicy, Casino Royal at Johnny Be Good or combinations 7-4-6-3-2-6-7.
Sa paglipat ng mga karera sa Metro Turf sa July 16 ay itatanghal na nag P500,000 “6th Leg Imported/Local Challenge Race”.
Itatakbo sa makapatid-hiningang distansiyang 1,800 Meter ang mga declared entries dito ay ang Bently, Hitting Spree at Messi.
Abangan ang 2nd Leg MARHO Invitational Race na gaganapin sa San Lazaro.
So there….see you guys at Samson’s Billiard OTB and/or at Obet dela Paz OTB….Good Luck!!!