By: Elena L. Aben
Nagbanta kahapon si Senator Cynthia Villar na magsasampa siya ng kaso laban Bureau of Plant Industry (BPI) dahil sa pagkabigo nitong mapigilan ang sobrang pagtaas ng presyo ng bawang sa merkado.
Ayon kay Villar, maaaring may sabwatang nagaganap sa pagitan ng bureau at importers para magkaroon ng artificial shortage at mamanipula ang presyo ng bawang.
Ipinahayag ng senadora ang warning sa hearing na isinagawa ng Senate committee on agriculture and food tungkol sa epekto ng importation sa presyo ng garlic.
Sinabi ni Villar, chairman ng committee, na isasampa niya ang kaso sa ngalan ng garlic farmers. “You are killing the farmers,” pahayag ni Villar sa BPI, na ayon sa kaniya ay nabigong mapahinto ang muling paglitaw ng garlic cartels.
Sa naturang hearing, binigyang diin ni Villar na kailangang matulungan ang local farmers na mapataas ang kanilang production para hindi na aasa ang bansa sa importation ng bawang.