By: Jel Santos
Dinakip ng isang policewoman ang kaniyang kaibigang lalaki na umano’y pumatay sa isang American fashion designer sa Caloocan City kahapon.
Inaresto ni PO1 Camille Givata ng Caloocan Police Intelligence Unit si Romeo de Luna Jr., 23, sa kaniyang bahay sa Barangay 73 bandang 2 p.m. dahil sa pagpatay kay James Rinaldo Bourdreaux, 66.
Natagpuang wala nang buhay ang fashion designer sa loob ng kaniyang nirerentahang apartment sa Barangay 73 dakong 1 a.m. Nagtamo siya ng walong saksak ng patalim sa katawan.
Sinabi ni Givata na nalaman niya na ang mismong kaibigang niyang si De Luna ang pumatay kay Bourdreaux nang mapanood niya ang closed-circuit-television (CCTV) footage ng barangay.
“When I saw the footage, I immediately recognized that it was De Luna because of the tattoo on his neck. De Luna and the victim were my friends. Then, I coordinated with my superiors before nabbing him,” pahayag ng rookie cop.
Ayon kay Giyata, inamin ni De Luna na siya ang pumatay sa kanilang kaibigan na si Bourdreaux.
Napag-alaman na anim na buwan nang nasa bansa ang biktima.
Bago naganap ang pagpatay, pinuntahan ni Bourdreaux si Givata para alukin siya ng scholarship.
“Before he died, he offered me a scholarship. He said that he will pay for all my expenses in order for me to pursue law school,” sabi ni Givata.
“Bourdreaux has many scholars in our area. He was a very kind man, and he loves helping people,” dagdag pa niya.
Naniniwala ang police na robbery ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.
Kasalukuyang nakakulong si De Luna sa Caloocan City Police headquarters.