by Chinkee Tan
Naluging negosyo. Naloko ka ng business partner mo. Natanggal ka sa trabahong pinapasukan mo. Iniwan ka ng taong mahal mo. Namatayan ka ng mahal sa buhay. At marami pang iba.
Hindi maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon sa ating buhay. Mga di inaasahang pangyayari na nagdudulot sa atin ng matinding kalungkutan o yung tinatawag natin na depression.
Paano mo malalaman na depressed ka? Di ka makatulog, di ka makakain, di ka makapag-isip ng tama, wala kang gana sa lahat ng bagay, matamlay ka, at minsan ayaw mo nang mabuhay.
Ito yung pakiramdam na sinakluban ka ng langit at lupa. Feeling mo wala nang pag-asa at katapusan na ng mundo. Feeling mo hindi na matatapos ang ulan at hindi na sisikat ang araw.
Kapag depressed ka, parang lahat ng naiisip at nararamdaman mo ay negative. Kumbaga eh, no room for positive thoughts.
Paano nga ba babangon mula sa depression? Ito ang ilan sa mga maaari mong gawin:
HUBARIN NA ANG BLUSANG ITIM
OK lang naman magluksa pero huwag mo itong patagalin. Normal lang naman ang umiyak at mag-dalamhati for a certain period of time, pero pag nanatili ka sa ganitong estado nang matagal na panahon, mahihirapan kang makalabas at marami itong magiging negative effect sa iyo, pati na rin sa mga tao sa paligid mo.
So decide and choose to stop mourning and start to move on.
ALIWIN ANG SARILI
Relax and recreate. Gawin mo ang mga bagay na nagbibigay sa’yo ng kaligayahan, mga bagay na nag-eenjoy kang gawin.
Mas mainam rin kung may makakasama kang kapamilya, kaibigan, o kahit sino na sa tingin mo ay mag-eenjoy kang kasama sya. Huwag mo munang isipin ang mga naipon mong trabaho o gawain, o kung paano ka magsisimula ulit.
Pause and reflect, then enjoy. Kapag tingin mo nakabalik ka na sa dating ikaw at tsaka ka mag-plano kung paano magsisimula ulit.
MAGHANAP NG SUPPORT GROUP
Madalas, kaya may mga taong hindi nakakalabas sa depression ay dahil sa sinasarili at kinikimkim nila ang lahat. We need to accept the fact that we all need help.
You can look for professional help like doctor or counselor, o kaya talk to your closest friend or family member. Maganda at makakabuti sa’yo na meron ka ng outlet at nahihingahan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nakaranas ka na ba ng matinding depression? Anong mga ginawa mo para makabangon? Kumusta ka na ngayon? Gusto mo bang makabawi at makabangon?