By: Anna Liza Villas-Alavaren
Sugatan ang isang apat na taong gulang na batang lalaki nang sumabog ang granadang iniwan ng dalawang nakamotorsiklong lalaki malapit sa bahay ng biktima sa Makati City dakong 1 a.m. kahapon.
Sinabi ng Makati Police na naganap ang pagsabog sa malapit sa isang nakaparadang truck sa OsmeƱa Highway. Ayon sa witnesses, dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo ang dumating at huminto sa kanilang lugar.
Isa sa mga riders ang bumaba sa motor at palihim na may inilagay sa lupa, at pagkatapos ay mabilis na umalis. Ilang minuto lang ang nakalipas, nagising sa malakas na pagsabog ang pamilya ng biktima.
Laking gulat ng ina ng bata makitang umiiyak ang kaniyang anak at duguan ang buong katawan. Kaagad na dinala ng ina ang anak sa hospital.