By: Czarina Nicole O. Ong
Naghain kahapon ng not guilty plea si dating Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Melquiades A. Robles sa kasong graft na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan Second Division.
Itinakda ng korte ang araw ng pre-trial ng kaso sa September 13, 2017. Inakusahan si Robles ng Graft Investigation and Prosecution Officer III Janet C. Cabigas-Vejerano na lumabag sa Section 3(g) of R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) kaugnay ng maanomalyang janitorial deal na pinasok ng LRTA noon taong 2009.
Pinaratangan si Robles at ang kaniyang mga co-accused na mga miyembro ng bids and awards committee, ng pakikipagsabuwatan noong January 5, 2009 at February 17, 2009 sa private individuals mula sa Joint Venture – Lilia S. Diaz and Dennis BN Acorda.
Binayaran umano ng LRTA officials ang Joint Venture ng kabuuang P3,373,808.51 kada buwan para sa serbisyo ng 321 janitors.
Sa huli, 219 janitors lamang ang nagamit ng ahensiya kung kayat hindi nasunod ang contract.