By: Jean Fernando
Tinatayang 80 pamilya ang nawalan ng tahanan sa dalawang magkahiwalay na sunog na sumiklab sa mataong lugar sa Las Piñas at Pasay cities kahapon ng umaga.
Sinabi ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection (BFP) isang naiwang bukas na electric fan ang maaaring pinagmulan ng unang sunog dakong 12 midnight sa second floor ng isang bahay na nirerentahan ng isang lady call center agent sa San Jose St., Barnagay Daniel Fajardo. Pag-aari ng isang Nelson Mallari ang naturang bahay.
Tinupok din ng apoy ang 30 pang kabahayan kung saan nakatira ang 60 pamilya.
Dahil sa makitid na kalye sa lugar, nahirapan ang mga bumbero na maapula agad ang sunog.
Sa Pasay City, nasunog ang isang three-storey building na may 26 na pinarerentahang kuwarto sa Tramo St., Barangay 42, Zone 6 dakong 12:10 a.m..