HALOS kada linggo na yata ay may nagaganap na beauty contest sa ating bansa.
At para maganap ang isang beauty contest, kailangan nilang lumapit sa mga private groups para maging sponsor.
Minsan, may dalawang representative ng isang beauty pageant ang lumapit sa isang kumpanya para sa naturang sponsorship.
Pinaunlakan naman ng kumpanya ang dalawang representative. In fact, hinarap sila ng mga opisyal nito kasama na ang kanilang presidente.
Ginisa ng mga officials ang dalawang bisita tungkol sa adbokasiya ng kanilang beauty contest.
Habang tumatagal ang usapan, parang hindi raw yata naiintindihan ng dalawang bisita ang adbokasiya ng kanilang beauty contest.
Kung anu-ano raw ang sinasagot nila sa mga tanong ng mga officials ng kumpanya. Ang nangyayari ay palihim na lamang natatawa ang mga officials.
Hindi nakakuha ng sponsorship ang beauty contest. Pagkaalis ng dalawang bisita, naghagalpakan sa tawa ang mga company officials.
Ayon sa isang opisyal na ating nakausap: “Front lang pala ang advocacy nila. Kaya naming ibigay ang amount na hinihingi nila para sa sponsorship pero hindi nila alam ang kanilang sinasabi at ginagawa.”