By: Anna Liza Villas-Alavaren
Inanunsiyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic rerouting para sa mga motoristang dumadaan sa mga daan malapit sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City kung saan gaganapin ang State-of-the-Nation Address (SONA) ni President Duterte sa July 24.
Pinayuhan ni MMDA chairman Danilo Lim ang motorists at drivers ng public utility vehicles na iwasan ang mga kalyeng malapit sa Batasang Pambansa at sa halip ay dumaan sa mga sumusunod na ruta:
Mula Commonwealth Avenue (west bound), kumanan sa Fairlane, right at Dalia, at saka kumaliwa sa Chestnut at dumiretso sa Sauyo Road to Mindanao Avenue hanggang sa makarating sa destinasyon (vice versa).
Ang mga manggagaling sa SM Fairview/ Robinsons ay maaaring dumaan sa Quirino Highway, diretso sa Mindanao Avenue hanggang sa destinasyon.
Ang mga magmumula sa Fairview/Mindanao Avenue ay dapat kumanan sa Jordan Plains diretso sa Quirino Highway hanggang Mindanao Avenue.