AYAW daw ng isang young actress na ang third wheel sa pelikulang gagawin nito’y babae rin. Launching ito ng love team nila ng isang young actor.
Diumano, ang katuwiran ng young actress, lalabas na bida ang young actor kung girl ang makaka-love triangle nila.
Diumano, ni-request ng young actress sa producer na lalaki ang maging third wheel para siya ang lalabas na bida.
Pagbigyan kaya siya ng producer?
Gusto raw ng young actress na siya ang “pag-aagawan” ng dalawang lalaki sa gagawin niyang pelikula. Hindi kaya i-request ng young actress na ‘yung aktor na nali-link sa kanya ang gawing third wheel?
Abang-abang na lang kung pagbibigyan ang request ng young actress. Hindi kaya makasira ang tsikang nali-link ang young actress sa ibang young actor? Nali-link naman ang kapareha niyang young actor sa ibang young actress. Mas open ito sa kanyang feelings sa young actor at walang pakialam mag-express sa social media ng kanyang love sa young actor.
Hindi kaya pagbawalan sila ng network na pinagtatrabahuhan nila na maging discreet sa kanilang relasyon? Kapag nag-deny ang young actor, alam n’yo na. ‘Yun na ‘yun!