By GLEN P. SIBONGA
WALA raw nararamdamang pre-wedding jitters ang long-time sweethearts na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap kahit pa nalalapit na ang kanilang Christian wedding na magaganap sa August 8 sa Tagaytay.
“Wala namang kaba. Medyo nai-stress, pero kailangan naming i-enjoy e. Hindi na naman ito mauulit e, so ine-enjoy namin. Sabi ko nga sa kanya, ilang weeks na lang, sana mas mahaba pa para mas mahaba pa ‘yung wedding preparations kasi nag-e-enjoy kaming dalawa,” sabi ni Rochelle.
In-enjoy nga rin nila ang kanilang prenuptial photo shoot sa Cagayan. Kapwa excited na raw sila sa bagong chapter ng kanilang relasyon dahil magiging mag-asawa na sila.
Bilib naman si Arthur sa pagiging hands-on ng kanyang fiancee.
Espesyal para sa kanila ang napili nilang wedding date dahil ito mismo ang kanilang anniversary. “Magna-nine years na kami sa August 8. Kaya yun ang date na kinuha namin.”
Ibinunyag din nila ang ilang celebrities na magiging parte ng kanilang wedding entourage. Si Alessandra de Rossi raw ang magiging bridesmaid ni Rochelle, habang bestmen naman ni Arthur ang kanyang mga pinsang sina Dingdong Dantes at Carlo Gonzales. Kasama rin sa entourage sina Max Collins, Andrea Torres, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Sunshine Dizon, Marian Rivera, Angelika dela Cruz, Jolina Magdangal, Luane Dy, Glaiza de Castro, at ilang dating kasamahan ni Rochelle sa Sexbomb. Kabilang naman sa kanilang principal sponsors sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at Jose Manalo.
Ano ang plano nila after the wedding? Magha-honeymoon ba agad sila? “Siguro mamu-move lang nang konti ‘yung honeymoon. Kasi parang mag-start siya ng bagong show, ako rin may ginagawa. Plano ko sana before mag-end of the year, sana mabuntis na siya, bago mag-December,” ayon kay Arthur.
Ready na ba si Rochelle na mabuntis? “Ready na ako, hindi na ako bata,” sabay tawa niya.
Biniro pa siya ni Arthur, “Agad-agad!”