By: Jeffrey G. Damicog
Pinalitan na ng bagong contingent ang mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na naka-assign sa Bilibid Prison (NBP) kasunod ng umano’y pagbalik ng illegal drug trade sa national penitentiary.
Ayon kay Justice Undersecretary Antonio Kho na naatasang mag-supervise sa Bureau of Corrections (BuCor), inalis na ang buong SAF battalion na nakatalaga sa NBP simula noong July ng nakaraang taon.
Sinabi ng undersecretary na nais niyang ma-review ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng BuCor at PNP tungkol sa pagtatalaga ng SAF.
“There’s MOA between BuCor and SAF regarding their participation to provide security in NBP, (we will) go over that again for areas of improvement,” pahayag ni Kho.