By: Anna Liza Villas-Alavaren
Ang mga colorum o hindi rehistradong sasakyan na nag-ooperate sa ilalim ng Transport Network Companies (TNC) Grab at Uber ay dapat alisin sa Metro Manila roads, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.
“For the agency, if you’re a colorum, you should not be on the roads,” pahayag ni Lim nang tanungin tungkol sa kaniyang posisyon sa kampanya ng gobyerno laban sa ride-sharing services.
Sinabi ni Lim na ang patuloy na pagdami ng bilang ng sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila roads ang pangunahing dahilan ng lumalalang sitwasyon ng trapiko sa metropolis.
“More vehicles on the roads mean more problems for us. We have too much vehicles already,” ani Lim. Ayon pa sa kaniya, nasa 417,000 ang bilang ng sasakyan na naibenta noong isang taon at inaasahang tataas pa ng hanggang 450,000 sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Lim na ipinauubaya niya sa kamay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Boart (LTFRB) ang usapin tungkol sa ride-sharing vehicles.