By Glen P. Sibonga
PRIORITY pa rin daw ni Derek Ramsay ang manatili sa TV5 kapag natapos na ang kontrata niya rito sa April 2018. Kung sakali pangalawang renewal of contract na ito ni Derek sa TV5. Nauna siyang nag-renew noong 2015 at pumirma ulit ng panibagong three-year contract makaraang matapos ang una niyang three-year contract.
“Priority is always TV5. When my first contract expired two and a half years ago, priority is always TV5. If they feel they still need me, they’ll have me. I will not open my doors to anything else until I have spoken with my network. And my network will let me know if they still need my services. Will I be affected if they say, ‘Derek, we got to let you go?’ No, because I have a great five and a half years here. I still have half a year more with TV5 and I will be as committed to the network,” sabi ni Derek.
Sa ngayon daw wala namang pormal na offer na natatanggap si Derek mula sa ibang network. “There’s hearsay or magsasabi na, ‘Dito ka na,’ ganyan-ganyan. Pero nothing ‘yung seryoso.”
Masaya raw si Derek sa TV5 at nagpapasalamat siya sa mga proyektong ibinibigay sa kanya na talagang minahal niya. Ang mga proyekto raw na ito ang kabilang sa mga dahilan kung bakit nananatili siya sa Kapatid network.
Proud nga si Derek sa pinagbibidahan niyang bagong TV5 miniseries sa ilalim ng award-winning director na si Brillante Mendoza, ang “Amo,” na tumatalakay sa war on drugs sa Pilipinas. Noong Hulyo 25 ginanap ang presscon nito sa Seda Vertis North Hotel sa Quezon City, kung saandumalorinsiDirekBrillante at iba pang cast members ngAmonasina Vince Rillon, Allen Dizon, Mara Lopez, Alvin Anson, at marami pang iba. Present din ang TV5 CEO and President nasiChot Reyes kasamaang TV5 executives nasinaMellYazon-Tolentino at Lloyd Manaloto.
“It’s the first time I’m given something like this na really challenged me and I really enjoyed it. And I worked with a great director, Direk Brillante Mendoza, whom I can say is really in a class of his own,” ani Derek, na gumaganap na isang pulis.
Mapapanood ang 12-episode miniseries na “Amo” tuwing Linggo, 9:30 pm, sa TV5 simula sa August 20.