By: Kim Atienza
FOLK wisdom is sometimes best.
Did you know that old folk from Quezon province and neighboring areas can tell the weather just by jotting down notes on their personal calendars?
Ang mga magsasaka at matatandang katutubo sa probinsyang Quezon ay may sariling paraan upang mahulaan ang panahon.
Ang kanilang pamamaraan ay maaaring simple lang sa panahong ito, ngunit sa maraming beses, ito ay gumagana.
Araw-araw, simula ika-1 ng Enero hanggang ika-24, masusing itinatala ng mga magsasaka ang lagay ng panahon. Maaraw, maulap at panaka-nakang pag-ulan, malakas na ulan at hangin, atbp.
•
Sa pagtala ng panahon ng mga magsasaka, na pinagsasama-sama sa isang maliit na kuwaderno, ang ika-1 ng Enero ay para sa buwan ng Enero. Ang ika-2 ng Enero ay para sa Pebrero. Ang ika-3 ay para sa Marso, etc.
Ang ika-12 ng Enero ay para sa buwan ng Disyembre, ang huling buwan ng taon.
Patuloy pa ring itatala ang panahon sa ika-13 ng Enero hanggang ika-24, ngunit susundin ng mga magsasaka ang ganitong pagkakasunod o pagkakatumbas: ika-13 ng Enero–Disyembre.
Ika-14 ng Enero – Nobyembre; ika-15 – Oktubre; ika-16 – Setyembre; ika-17 – Agosto; ika-18 – Hulyo; ika-19 – Hunyo; ika-20 – Mayo; ika-21 – Abril; ika-22 – Marso; ika-23 – Pebrero; ika-24 – Enero.
Sa ika-25 ng Enero, pinagkukumpara ng mga magsasaka ang kanilang araw-araw na naitalang lagay ng panahon at mga kakaibang nangyari, kung mayroon, sa kanilang-kanilang komunidad.
Kung ang lagay ng panahon sa ika-1 at ika-24 ng Enero ay normal, may posibilidad na magiging maaraw ang panahon sa Enero.
Katulad nito, ang lagay ng panahon sa ika-6 at ika-19 ng Enero ay maulan, ang buwan ng Hunyo ay makakaranas ng maulan ding panahon.
Maaaring hindi 100 porsiyentong sigurado ang hula, ngunit ang paraang ito ay nakatutulong bilang gabay sa kanilang pagtatanim at pang-araw-araw na gawain sa bukid.
•
TRIVIA PA MORE (Various sources): The world’s second deepest spot underwater is in the Philippines. This spot, about 34,440 feet (10,497 meters) below the sea level, is known as the Philippine Deep or the Mindanao Trench. The Philippine Deep is on the floor of the Philippine Sea. The German ship Emden first plumbed the trench in 1927.
•
Send your questions on anything and everything to Kuya Kim through my Twitter account @kuyakim_atienza using #AlaminKayKuyaKim.
Ating tuklasin ang mga bagay-bagay na ‘di niyo pa alam. Walang ‘di susuungin, lahat aalamin. Ito po si Kuya Kim, Matanglawin, only here in TEMPO.