By: Mario Casayuran
Pinangunahan ni Senator Cynthia A. Villar, chair ng Senate agriculture and food committee, at dalawang miyembro ng Duterte Cabinet ang inagurasyon noong Miyerkules ng ikatlong bahagi ng Zapote River Drive na naglalayon na maibsan ang traffic congestion at mabawasan ang pagbaha sa Las Piñas City.
Ang dalawang Cabinet members ay sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar, anak ng senadora.
Ang pinasinayaan ay ang 11-kilometer road na nagkokonekta sa Barangay Zapote at Daanghari na dumadaan sa walong barangay.
“The maintenance road will be an alternative route for private vehicles. Thus, volume of vehicles along the Alabang-Zapote road will be greatly reduced,” pahayag ni Villar.