By Mell T. Navarro
BIBIGYAN ng tribute ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2017 ang mga pumanaw na sina Lolita Rodriguez at Direk Gil Portes sa darating na buwan ng Agosto.
Si Lolita ay sinasabing isa sa “greatest actresses of Philippine Cinema of all time,” na bagama’t sa Amerika na nanirahan in her later years ay sobrang impact ang nagawa nito sa industriya dahil sa mga nagawa niyang matitindingpelikula.
Si Direk Gil naman, bago pumanaw sa edad na 71 ilang buwan pa lang ang nakakaraan ay isang batikan at multi-awarded master director.
Ilang beses ring naging representative ang kanyang mga pelikula sa Best Foreign Language Film ng Oscars, at nag-7th slot pa nga ang isa sa elite Top 5 ng nasabing international award giving body ng Hollywood.
Sa Cinemalaya festival run sa August 5-13, muling ipapalabas ang mga katangi-tangi at memorable movies nina Lolita at Direk Gil sa Dream Theater (o Tanghalang Manuel Conde) ng Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Blvd., Pasay City.
For Lolita Rodriguez: “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” (1974) ni Lino Brocka sa August 9 (Wed), 6:15 pm, “Stardoom” (1971) ni Lino Brocka sa August 11 (Fri), 6:15 pm, at “Lucia” (1992) ni Mel Chionglo sa August 10 (Thu), 3:30 pm.
At ang mga obra naman ni Direk Gil na itatanghal ay: “Mulanay” (1996) sa August 8 (Tue), 6:15 pm, “Mga Munting Tinig” (2002) sa August 11 (Fri), 3:30 pm, at “Two Funerals” (Cinemalaya 2010) sa August 11 (Fri), 9 pm.
Samantala, sa “Digital Classics” section ng Cinemalaya, ipalalabas rin ang tatlong iconic and classic Filipino films ng multi-awarded film directors:
“Kasal?” (1980) ni Direk Laurice Guillen (written by Mario O’Hara) sa August 9 (Wed), 12:45 pm sa CCP Studio Theater (Tanghalang Huseng Batute). Starring dito sina Christopher de Leon, Hilda Koronel, Jay Ilagan, Gloria Romero, at Chanda Romero.
“Kakaba-kaba Ka Ba?” (1980) ni Direk Mike de Leon sa August 10 (Thu), 3:30 pm sa CCP Little Theater, at sa August 11 (Fri), 12:45 pm sa CCP Studio Theater. Tampok rito sina Christopher de Leon, Charo Santos, Jay Ilagan, Johnny Delgado, Sandy Andolong, at Armida Siguion-Reyna.
“Hihintayin Kita Sa Langit” (1991) ni Direk Carlos Siguion-Reyna sa August 10 (Thu), 12:45 pm sa CCP Studio Theater.
Classic romance movie ito nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, with Michael de Mesa, Eric Quizon, Jackie Lou Blanco, Jose Mari Avellana, Vangie Labalan, at Jomari Yllana.
Now on its 13th year, hindi lamang sa CCP taun-taon napapalabas ang main competition (full length and short films) at exhibition films, kundi pati na sa Ayala Cinemas na Trinoma, Glorietta 4, Greenbelt 1, UP Town Center, Fairview Terraces, at Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga.
Si Direk Laurice ang Cinemalaya Foundation President, si Direk Chris Millado ang Festival Director, Direk Mel Chionglo ang Competition Director, at Teresa Rances ang Deputy Festival Director.
Para sa complete screening schedule, check out the Cinemalaya Facebook fan page: www.facebook.com/Cinemalaya.