By RUEL J. MENDOZA
HINDI lang pala mga beauty queens ang nais ma-discover ng beauty queen maker na si Jonas Antonio Gaffud kundi pati na rin mga future entertainers.
Pinasok na rin ng nakadiskubre at humubog sa mga beauty queens na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Ariella Arida, Kylie Verzosa at Pia Wurtzbach ang pag-produce ng album at kelan lang ay ni-launch ang dalawang singers na mina-manage ng kanyang model company na Mercator.
Ito ay ang rap duo nila Yheen Valero at Yuki Sagamoto o mas kilala as Yheen And Yuki.
Ni-launch kamakailan ang kanilang digital album na “Yheen And Yuki” kunsaan ang kanilang album ang nilalaman nito ay ang mga singles na “You’re Beautiful,” “Lucia,” and “Laban Nang Laban.” Available na for download sa Spotify, Amazon, and iTunes.
Nagsimula sa magkaibang boybands sina Yheen at Yuki. Si Yheen ay galing sa boyband na Down To Mars na naging resident boyband noon ng musical-variety na Party Pilipinas ng GMA-7.
Pero ilang years na silang na-disband.
Galing naman si Yuki sa grupo na 1:43 na matagal na ring na-disband. Sumubok din siya na mag-audition para sa Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN 2.
Dahil parehong matangkad, naging male models sila ng ilang taon hanggang sa nakitaan sila ng talent sa pag-awit.
Una silang nag-perform sa isang event ng Miss Universe 2017 at doon na nabuo ang duo nila.
Ayon kay Jonas, makakasama sina Yheen And Yuki sa world tour ng tatlong queens ng Mercator na sina Pia Wurtzbach, Megan Young at Kylie Verzosa. Bibiyahe sila sa US, Europe, and Middle East.
“It’s a combination of fashion and music. ‘Yun naman ang uso ngayon. ‘Yung music nila Yheen And Yuki, bagay siya sa gagawin naming concept for Pia, Megan, and Kylie. Pinoy na Pinoy ang music brand nila.”
Interesado rin na pasukin nila Yheen and Yuki ang acting at baka makasama sila sa Metro Manila Film Festival movie ni Pia kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla.