By GLEN P. SIBONGA
OVERWHELMED pa rin hanggang ngayon ang baguhang singer-actor na si Laurence Mossman sa malaking tagumpay ng Manila run ng Tony and Grammy Award winning musical na Kinky Boots, kung saan isa siya sa mga bida kasama si Nyoy Volante.
Tuwang-tuwa nga siya sa mga papuri at magagandang reviews hindi lang sa show kundi pati sa mahusay na performance niya at ni Nyoy.
Natapos man ang Manila run ng Kinky Boots sa RCBC Plaza, Makati noong July 23, hindi naman nalulungkot si Laurence dahil muling magbabalik ang musical na handog ng Atlantis Theatrical Entertainment Group, at magkakaroon ito ng limited repeat run sa March 2-18, 2018 sa parehong venue.
Ginampanan ni Laurence ang role ni Charlie Price, na na-involve sa drag queen at cross dresser na si Lola (Nyoy).
Masaya nga si Laurence dahil muli niyang makakatrabaho si Nyoy. Bumilib daw talaga siya rito.
Very satisfied si Laurence sa takbo ng kanyang career dahil sa mahigit dalawang taon niya sa Pilipinas ay nasusubukan niya ang iba’t-ibang larangan ng entertainment. Mula sa New Zealand ay nagdesisyon siya ng subukan ang kapalaran niya rito sa Philippine showbiz at naging parte siya ng vocal trio na Primo.
Sa telebisyon ay gumanap siya bilang si Signore Mossman sa dating ABS-CBN teleseryeng “Dolce Amore” nina Enrique Gil at Liza Soberano. Nakagawa na rin siya ng dalawang pelikula – ang “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend” at ang “Die Beautiful.”
Kasalukuyan siyang endorser at brand ambassador ng New Placenta for Men ng Psalmstre Enterprises Inc. Proud nga sa achievements ni Laurence ang CEO ng Psalmstre na si Jaime Acosta, na tumatayo ring manager ng singer-actor.
Noong isang taon pinasok niya ang teatro at napasama siyasa musical na “Fun Home,” na pinagbidahan ni Lea Salonga.