Malaking blessing kung ituring ni Ryza Cenon ang “Ang Manananggal sa Unit 23B” dahil ito ang first lead role niya sa pelikula. Kasama niya sa cast sina Martin del Rosario, Vangie Labalan, at ang boyfriend niyang si Cholo Barretto.
“Parang hulog ng langit sa akin itong pelikulang ito kasi ’yung time na mayroon akong struggle about sa life at sa career, pumasok po ang Manananggal. Parang sinave po ako ni Manananggal at nilipad po ako ni Manananggal pataas para mapansin po ako ng mg atao. Ganun siya kahalaga sa akin na para siyang hulog ng langit. So, anghel po ang manananggal para sa akin. Tapos ’yung mga nagawa ko in 12 years ko po sa showbiz parang mga support lang ganun, pero ngayon po parang ito ’yung naging break ko, biggest break ko po ito,” sabi ni Ryza.
Ano ba ’yung struggles na pinagdaanan niya? “Madami e, iyon nga mayroong time na nandoon na ako sa suicide, kasi suicidal po talaga ako before pa.”
Teenager pa raw siya noon at nanalo na sa StarStruck nang maisipan niyang mag-suicide dahil hindi raw niya kinakaya ang iba’t ibang intriga sa kanya. Ngayon nga ay na-overcome na ni Ryza ang kanyang suicidal tendencies sa pamamagitan ng painting, pagdarasal, at dahil na rin sa magagandang nangyayari sa kanyang buhay at career lalo na nang dumating sa kanya ang big break niya sa “AngManananggal sa Unit 23B.” “Parang feeling ko na-overcome ko na iyon dahil Masaya ako ngayon. Sobrang blessed ko ngayon sa life ko, sa career, sa lovelife ko, sa lahat-lahat po. So, for me feeling ko part talaga siya ng cycle ng life ko, kumbaga sa story mayroon talagang struggle na part e,” ani Ryza, na nangangakong hindi na magsu-suicide ulit.
Happy at thankful lang si Ryza ngayon dahil mapapanood na nationwide ang “AngManananggal sa Unit 23B” na directed by Prime Cruz at produced by The Idea First Company Inc. nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan. Isa kasi ito sa 12 na mga pelikulang napili para sa Pistang Pelikulang Pilipino, na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines, at ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa Agosto 16-22.