MAY mga paramdam o pahiwatig sa social media ang isang young actor (YA) sa kinabibilangan nitong network. May himig pagtatampo ang YA dahil feeling nito’y napag-iiwanan na siya ng ibang kapanabayan niya.
Matagal-tagal na ang huling project na ginawa ng YA. Wala pa itong kasunod. Mga guesting lang ang ibinibigay sa kanya.
Nakakapanghinayang ang YA na hindi gaanong nae-explore ang talent. Magaling siya umarte. May kakayahan ding kumanta at sumayaw. Artistahin talaga ang dating.
Bet nga si YA ng karamihang entertainment press na i-push ng network ang career nito para bumongga. Leading man material talaga. Ano nga kaya ang kulang sa YA at parang hindi siya gaanong napag-uukulan ng pansin ng management para i-push ang kanyang career?
It’s never too late. Bata pa si YA, in his early 20’s pa lang siya. Pwedeng-pwede pang makahabol sa karera kung mabibigyan ng right projects para magningning ang bituin niya. Push pa more! (Rowena Agilada)