By: Jaimie Rose R. Aberia
Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Manila ang mass registration ng libo-libong “padyak” or pedicab na bumibiyahe sa mga kalye para maging lehitimong uri ng transportasyon.
Layunin din ng registration campaign na alisin ang mga colorum pedicabs para maging maayos ang kita ng mga lisensiyadong driver.
“We know that these lowly pedicab drivers only want to earn a living so we have thought of helping them by having their vehicles registered and given transport franchises, free of charge,” pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Ito ang unang pagkakataon na ang isang city government ay naglunsad ng pedicab registration program, ayon kay Julius Galang, hepe ng Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO).
Nagsimula ang registration noong Biyernes, August 5, sa District 5 kung saan 1,200 pedicab drivers ang nabigyan ng identification cards at license plates. Hindi na muna pinabarayan R425 annual permit fee at P300 na halaga ng license plate, ayon kay Galang.
“We’ll be doing this by district. By registering them, we acknowledge that they are legitimate part of the transport industry,” sabi niya. “So ‘yung mga hindi makakasama rito ay ituturing namin na kolorum.”
Tinatayang nasa 15,000 ang bilang ng pedicab, karamihan ay colorum, na nag-ooperate sa Manila, base sa estima ng MTRO.
Ang mga rehistrado at lisensiyadong pedicab drivers ay sasailalim sa isang seminar tungkol sa ligtas na pagmamaneho at mga batas trapiko, at para maituro sa kanila ang city policies tungkol sa tricycle at pedicab operations, sabi ni Galang.