SPECIAL guest si Rocco Nacino sa 21st birthday celebration ni Sanya Lopez na in-organize ng kanyang fans. Isang poodle ang gift ni Rocco sa kanyang leading lady sa “Haplos.”
Dog lover si Sanya, kaya ikinatuwa niya ang regalo sa kanya ni Rocco. Aquil ang ipinangalan niya sa aso, na pangalan ni Rocco sa “Encantadia.” Sang’gre Danaya naman si Sanya.
Good health and more projects ang birthday wishes ni Sanya.
Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “Haplos.” Thankful sina Rocco at Sanya sa patuloy na pagsuporta ng Kapuso viewers sa kanilang afternoon prime series.
May pag-asa
Single but not available ang parehong status nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Hindi maitago ni Bela ang kilig nang tanungin siya ni Boy Abunda sa show nito sa estado ng kanilang relasyon.
Ani Bela, hindi pa niya boyfriend si Zanjoe, pero binibigyan niya ito ng chance. Malinaw ang signal na binigay ni Bela. Alangan namang siya pa ang maunang manligaw kay Zanjoe.
At least, hindi na magto-todo-effort si Zanjoe. Sure ball na!
Go! Go! Go! Zanjoe.
Artista na
Artista na ang dating ni Cora Waddell (former PBB housemate) nang humarap sa presscon ng “Woke Up Like This.” First movie niya ‘yun, kaya excited siya sa kanyang first presscon.
Hindi man si Cora ang nagwagi sa PBB, kundi si Maymay Entrata, happy na rin siya dahil marami siyang natutunan sa loob ng bahay ni kuya.
Dati raw kasi’y anti-social siya. Natuto siyang makisalamuha sa iba’t-ibang personalidad na nakasama niya sa PBB house.
Ramp, print at TV commercial model si Cora. Thankful siya sa Regal Entertainment na isinama siya sa “Woke Up Like This.” Maganda ang working experience niya sa cast, lalo na kay Lovi Poe na girl crush ni Cora. “Lovi is sweet and very down-to-earth,” ani Cora.
Sa August 23 ang showing ng WULT sa mga sinehan nationwide.
Coffee table book
In line sa 30 years ni Arnold Clavio sa industry, naglabas ang GMA Network ng kanyang coffee table book, “Iskets, Piktyur at Tula.” Naglalaman ito ng mga tula at ilangs rtworks ni Arnold.
Noon pa man ay mahilig na siyang magsulat ng mga tula, mag-drawing at magpinta na pampalipas-oras niya. Bilang pasasalamat sa 30 years na paglilingkod ni Arnold sa napili niyang propesyon, bahagi ng malilikom sa sales ng kanyang libro ay ilalaan sa iGan Foundation para sa mga kabataang may sakit.
Napapanood si Arnold sa “Unang Hirit,” “Saksi” at Tonight with Arnold Clavio.”