NANINIWALA ang 42-year-old actor na si Ian Veneracion sa kasabihang “life begins at 40.” Marami raw blessings at magagandang pangyayari sa kanyang buhay at career ang ine-enjoy niya nang tumuntong siya ng edad 40.
“I guess it’s true when they say, ‘life begins at 40.’ Because ‘yun nga ang laking blessing sa akin career wise, and not only that also with my family life, my personal life. I really believe that age is an advantage. If I compare myself to the 31-year-old version of me, siyempre as an actor, as a person, as a husband, as a father, I know so much more now than I did when I was 31,” sabi ni Ian.
Isa nga sa na-maintain ni Ian through the years ang kanyang kaguwapuhan. Mula sa pagiging cute na child actor hanggang sa pagiging isa sa most handsome actors sa industry ay hinahangaan at kinagigiliwan ang kanyang looks.
Kailan niya na-realize na guwapo siya? “Kapag may mga nagpapa-picture na mga titas at mommies. Tapos may isang
teenager na nagpa-picture sabi niya, ‘Crush ka ng lola ko, pati mommy ko.’ A, okay. Siyempre nakaka-flatter.”
Sa tagal ni Ian sa showbiz, inamin niyang immune na siya sa mga intriga. “Well, it’s part of it (showbiz). Even my family, hindi naman showbiz ‘yung wife ko and my kids, they know that it’s part of the business. So, ako, I don’t take it (intrigues) personally. Hindi ako active sa social media, so hindi ako naaapektuhan ng bashing.”
Dahil nga sa pagiging immune niya sa intriga at sa taglay niyang kaguwapuhan kaya talagang bagay sa kanya ang tagline ng ineendorso niyang Conzace multivitamins na: “For Immunity and The Looks like no other.”
Happy lang si Ian na bukod sa magagandang projects katulad ng pinagbibidahan niya ngayong ABS-CBN primetime teleseryeng “A Love To Last” with Bea Alonzo ay nabibiyayaan din siya ng endorsements. “I’m just grateful that the trust of the audience as an actor sa akin, now extends to brand endorsements. So, I’m honored to be part of the Unilab family specifically Conzace. Because of this prestigious company, and because of its reputation siyempre laking pogi points din sa akin nun. So, I’m happy to be part of this family.”