By: By MELL T. NAVARRO
CONSISTENT sa pagiging likas na galante ang top comedian ng kasalukuyang henerasyon na si Vhong Navarro, pagdating sa entertainment press.
Marunong mag-share si Vhong ng kanyang blessings sa movie writers dahil recently, dalawang beses na siyang nagpa-raffle ng cash prizes sa dalawa press conferences ng kanyang pelikula.
Una ay noong late December 2016 para sa “Mang Kepweng Returns” ni Vhong na opening salvo ng bagong tatag na CineKo Productions na unang salvo ng 2017, at kumita ang nasabing movie.
Last week naman, muling nagpa-raffle si Vhong ng cash prizes (na nasa more than 10 press ang nanalo) sa presscon pa rin ng bago naman niyang comedy flick, ang “Woke Up Like This” with Lovi Poe, under Regal Entertainment.
Bibihira na sa ngayon ang mga artistang bida sa pelikula na tuwing presscon ay hindi nakakalimot mag-share ng “biyaya” sa movie press sa pamamagitan ng pa-raffle, na ikinatutuwa ng attending media.
May P2,000, P3,000, at P5,000 ang normal na pinapa-raffle ni Vhong sa press, kaya naman bumabalik rin ang suwerte sa binansagang Prime Comedian ng showbiz sa ngayon.
Sa “Woke Up Like This,” ginagampanan ni Vhong ang role na si Lando, isang “hari ng basketball court” na mabait na anak at tagapagtaguyod ng pamilya, ngunit matigas ang ulo nito pagdating sa paglalaro. Nasira ang pangarap niyang maging bahagi ng isang malaking basketball league nang magising siyang nasa katawan na siya ng isang “girl.”
Ganoon rin naman si Lovi – na unang nakasama ni Vhong sa “Shake, Rattle, and Roll 16” (ng Regal rin) – na nagising namang nasa katawan ng isang lalaki.
Dito na iikot ang riot at nakakatawang kuwento ng nasabing pelikulang tinatampukan rin nina Joey Marquez, Bayani Agbayani, first feature film ni Cora Waddell (ng PBB ng ABS-CBN), Rakko Mateo, Dionne Monsanto, at iba pa, directed by Joel Ferrer.
Ito ang first mainstream movie ni Direk Joel, na comedy ang forte sa paggawa ng pelikula. Ang past comedy indie flicks ni Direk Joel Ferrer ay “Hello World” (2013), “Blue Bustamante” (2013), at “Baka Siguro Yata” (2015).
Kaya naman masaya ito at binigyan ng break ni Mother Lily Monteverde ng Regal para idirek comic tandem nina Vhong at Lovi sa “Woke Up Like This,” na showing na sa August 23 in cinemas nationwide.