By: Anna Liza Villas-Alavaren
Pinarangalan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang siyam na traffic personnel na nakadakip sa isang dating police officer na hinatulan ng korte dahil sa robbery case sa Quezon City.
Pinapurihan ni MMDA Chairman Danilo Lim sina traffic constables Allan Borbe, William Versosa, Ferdinand Maneja, Emma Rivera, Ramil Cancino, Mariao Cortes Jr., Augustus Sadia, Crispen Guainan, at Erwin Sempio dahil sa kanilang “diligent acts and active involvement” sa anti-colorum operations na nagresulta sa pagkaka-aresto kay Ricardo Pascua, dating pulis.
“With their vigilance and tireless effort in performing their duties, they have not only ease traffic on our streets but apprehended and put behind bars a man who has been long wanted by the law for his crime,” pahayag ni Lim.
Tumaggap ang siyam na MMDA traffic personnel ng certificate of commendation mula sa ahensiya sa isinagawa sa regular flag-raising ceremony sa MMDA main office sa Makati City.
Based sa report, sinita ng naturang traffic enforcers ang isang Nissan Urvan (UXQ-467) na minamaneho ni Pascua dahil sa isang traffic violation sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong June 15, 2017.
Ayon sa MMDA records, nadakip na pala si Pascua dahil sa colorum violation noong June 8, 2017. Dahil dito, kinumpiska ng Land Transportation Franchising Regulatory Board ang driver’s license niya.
Napag-alaman na si Pascua ay residente ng San Jose del Monte City, Bulacan, na hinatulan dahil sa pagnanakaw ng Regional Trial Court Branch 96 sa Quezon City noong July 13, 1999, ngunit nagtago siya sa batas.