By: Kier Edison Belleza
CEBU CITY – Isang Australian firm ang nagpahayag ng kahandaan na mamigay ng 100,000 solar electric vehicles ng libre.
Ito umano ang paraan ng Star 8 Green Technology Corporation na makatulong sa hangarin ng gobyerno na magkaroon ng modernized program ang public transport sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga fuel-driven vehicles.
Tiniyak naman ng Managing Director ng kumpanya na si Ronald Laurel na kanilang mababawi ang gagastusin sa mga E-vehicles sa pamamagitan ng advertisements sa bawat sasakyan.
Aniya, suportado ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) ang kanilang plano.
Nakahanda na umanong ipamigay ang 2,260 units sa limang transports groups at ang mga ito ay Cebu Integrated Transport Service Cooperative (CITRASCO), Visayas United Drivers Transport Service Cooperative (VUDTRASCO), Cebu Provincial Bus and Mini Bus Operators Cooperative (CPBMBOC), Metro Cebu Autobus Corporation (MCAC) at mga tricycle operators at drivers associations sa Cebu at Mandaue.